Kunin ito sa Google Play

Tungol sa Vaxini

Ang tracker ng pambakuna at paalala para sa pagbabakuna batay sa iskedyul ng pagbabakuna na rekomendado para sa iyong bansa. Isang madaling gamit na magpapa-alala sa mga paparating na turok para sa pagbabakuna. Isang app na pambakuna na panghabang buhay. Lahat ng edad ay suportado: pang subaybay para sa bakuna ng sanggol, bata, tinedyer, matanda. Abot kamay na mga rekord ng iyong pagpapabakuna.

Masugid na itaguyod ang kalusugarn at protektahan ang iyong pamilya at ang iyong sarili gamit ang Vaxini, nang walang anumang gastos o pagpapakahirap. Buong gamit nito ay libre. Ang Vaxini ay mananatiling libre. Vaxini ay hindi magpapakita ng mga ad o ng in-app na pinamimili. Subaybayan ang iyong mga bakunang tumpak at mapagkakatiwalaan. Simple, nababaluktot at madaling gamitin.

Ipapa-alala ng Vaxini sa iyo na gumawa ng iskedyul sa doktor para sa susunod na pagbabakuna. Mas madali pamahalaan, lalo na kung kailangan mong subaybayan ang bakuna higit pa sa isang tao. Isang app para sa iyong pamilya. Ang bawat miyembro ng iyong pamilya ay may kanilang sariling profile, iskedyul ng pagbabakuna, mga rekomendasyong bakuna at mga paalala sa pagbabakuna. Gamitin ang Vaxini para sa iyong sarili bilang isang may sapat na gulang para sa regular na boosters o panglakbay na pagbabakuna.

Lahat ng mga bansa sa mundo ay suportado. Kabilang sa Vaxini ang iskedyul ng pagbabakuna at tumatakbo bilang iyong rehistro ng pagpapabakuna para sa halos 200 bansa, kabilang ang lahat ng tatak  ng bakuna at mga produktong pambakuna. Ang Vaxini ay kadalasang nag-uupdate sa  lokal na iskedyul ng  bansa at ang produkto ng pagpapabakuna ay nababatay sa mga impormasyon na ibinigay ng World Health Organization (WHO) at mga lokal na awtoridad pang kalusugan. Awtomatikong pag-update ng pambakunang iskedyul at paalala. Ang Vaxini ay gumagana ng maayos kapag pahihintulutan mo itong awtomatikong pag-update, para magkaroon ka ng daan sa mga pinakabagong bakuna/baksin at mga rekomendasyon.

Awtomatikong tuklasin ang bansa. Ipasok ang iyong pangalan at petsa ng kapanganakan at maari mo ng ipagpatuloy. Kung maglilipat ka, ang Vaxini ay awtomatikong magaakma sa iskedyul ng pagbabakuna sa bagong bansa, nang hindi nawawalan ng naiaplay na bakuna. Kumuha ng awtomatikong impormasyon tungkol sa iyong kaligtasan habang naglalakbay ka sa ibang bansa.

Panatilihin ang kahalagahan ng datos ng ilang taon. Kinakailangan ito para sa mga abalang mga magulang, na may impormasyon tungkol sa antigens, antibodies, serums, antitoxins. Awtomatikong backup ng impormasyon. Kung mawala mo ang iyong telepono, i-install ang Vaxini sa isang bagong aparato upang ibalik ang iyong datos ng pagbabakuna.

Ang iyong pribadong rehistro para sa pambakuna. Itala ang tatak ng bakuna/baksin, numero ng batch/pangkat, ang nangangala sa pangkalusugan ay ang nagsasagawa ng bakuna, ang lugar ng pinagbabakunahan, magsulat ng mga komento at iba pang mga impormasyong kaugnay sa kalusugan. Kumuha ng snapshot at ipunin ang mga selyo ng bakuna, bar code ng bakuna at selyo ng pambakuna sa Vaxini. Maaari ka ring magdagdag ng mga kaugnay na komento at mga kondisyones, impormasyon sa kalusugan, terapewtika, laban sa sakit at impeksyon, reaksyon, atbp sa bawat bakuna para sa bawat miyembro ng pamilya.

Mag-upgrade o baguhin ang iyong telepono, magpalit ang iyong telco provider: Ang Vaxini ay awtomatikong naglilipat ng detalye ng pagpapabakuna ng pamilya at mga talaan ng pagbabakuna sa bagong aparato. Sinusubaybayan ang bakuna para sa iyong pamilya at makakatanggap agad ng paalala para sa hinaharap na mga turok sa itinakdang pagbabakuna para sa iyong bansa. Maaari mong ipasok ang nakaraang bakuna sa iyong kagustuhan, kapag nasa sa iyo ang kard sa pagpapabakuna. Ang Vaxini ay magbibigay impormasyon sa iyo kung anung klaseng turok ang isasagawa sa iyong mga anak bago ang iskedyul nila sa doktor para sa pagpapabakuna.

Kasama sa Vaxini ang lahat ng uri ng bakuna, tatak ng bakuna at mga iskedyul ng pagbabakuna sa mundo.

Suporta sa wika

Sinusuportahan namin ang kasalukuyang mga sumusunod na wika (higit pa ang darating):

  • Ingles
  • Espanyol (Castilian)
  • Aleman
  • Italyano
  • Pranses
  • Portuges
  • Finnish
  • Polish
  • Turko
  • Mga rasyano
  • Indonesian
  • Tagalog

Kunin ito sa Google Play